Si Crush

Si Crush

Huwebes, Oktubre 6, 2011

Si Crush

           Malamig ang hanging Nobyembre na dumadampi sa aking pisngi habang hinihintay kong matapos ang programa. Maya-maya niyapos ako ng aking bestfriend sabay sabi na ibinigay niya sa kaniyang pinsan ang cellphone number ko. Pero nang malaman ko kung sino, gustong-gusto kong halikan sa tuwa si best, pero siyempre, di ko pinahalata. Kunwari, dedma lang ako. Mula noon, naging magkaibigan kami ni crush. Unti-unting naging komportable sa bawat pagkikita. Pero, hindi ko sinasabing gusto ko siya. Gusto ko kasi,siya ang kusang makaramdam nito.

            Mula high school, nakikita ko na siya tuwing may pagsasalo kila bestfriend. Unang nakahila ng aking mga mata ay ng husay niya sa pagdadala ng damit. Kahit siguro basahan pag pinasuot sa kaniya ay bagay niya pa rin. Magaling din siyang mag-gitara. Magandang gumalaw at nakakaaliw rin siyang panooring sumayaw.

            Sa lahat ng ito, ang pinakahinangaan ko sa kaniya mula ng siya’y makita ko ay ang kaniyang mga mata. Tila nakababasa kasi ng damdamin tuwing ako’y kaniyang titignan. Marunong siyang makisama at palagi akong pinatatawa ng malakas. Dumating ang panahon na pati mga magulang ko ay nakaku-kwentuhan na niya ng matagal. Sa dinami-dami ng mga hinangaan ko, siya ang aking npili kasi babasahin daw niya itong blog ko. Naku, ano pa nga ba? Eh, di siya na lang ilalagay ko. Siya ay walang iba kundi sa Raul R. Marquez Jr. tumagal pa sana ang aming pagkakaibigan, marami pa sana kaming tawanan ng magkasama at makaubos pa sana kami ng sandakamakmak na cheesesticks sa COOP tuwing hapon.

Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Si Crush

Malamig ang hanging Nobyembre na dumadampi sa aking pisngi habang hinhintay kong matapos ang programa. Maya-maya niyapos ako ng aking bestfriend sabay sabi na ibinigay niya sa kaniyang pinsan ang cellphone number ko. Pero nang malaman ko kung sino, gustong-gusto kong halikan sa tuwa si best, pero siyempre, di ko pinahalata. Kunwari, dedma lang ako. Mula noon, naging magkaibigan kami ni crush. Uti-unting naging komportable sa bawat pagkikita. Pero, hindi ko sinasabing gusto ko siya. Gusto ko kasi,siya ang kusang makaramdam nito.

            Mula high school, nakikita ko na siya tuwing may pagsasalo kila bestfriend. Unang nakahila ng aking mga mata ay ng husay niya sa pagdadala ng damit. Kahit siguro basahan pag pinasuot sa kaniya ay bagay niya pa rin. Magaling din siyang mag-gitara. Magandang gumalaw at nakakaaliw rin siyang panooring sumayaw.

            Sa lahat ng ito, ang pinakahinangaan ko sa kaniya mula ng siya’y makita ko ay ang kaniyang mga mata. Tila nakababasa kasi ng damdamin tuwing ako’y kaniyang titignan. Marunong siyang makisama at palagi akong pinatatawa ng malakas. Dumating ang panahon na pati mga magulang ko ay nakaku-kwentuhan na niya ng matagal. Sa dinami-dami ng mga hinangaan ko, siya ang aking npili kasi babasahin daw niya itong blog ko. Naku, ano p nga ba? Eh, di siya na lang ilalagay ko. Siya ay walang iba kundi sa Raul R. Marquez Jr. tumagal pa sana ang aming pagkakaibigan, marami pa sana kaming tawanan ng magkasama at makaubos pa sana kami ng sandakamakmak na cheesesticks sa COOP tuwing hapon.